Sunday, December 7, 2008

National Children's Month Celebration, Matagumbay na Idinaos ng SK!

October 25, 2008
HACCCI Covered Court, Caloocan City (North)


SK Council Celebrates NCM.
From Left: SK Coun. Lucille Aserit, SK Coun. Mark Cruz, SK Chairperson Tiffany Aguilar,
SK Coun. Goddie Cruz, SK Coun. Myra Ri
vamonte, SK Coun. Joan Tunguia and SK Coun. Kaye Sapungen

Clown Party

Clowns were present to brighten up the party.

Super Kids
Children who participated in the said activity recieved TShirts and school supplies as giveaways.

Sack Race
Everybody had so much fun!

Organizing an activity as big as this was not as easy we thought it would be but having the end in mind, we struggled to give the children the best celebration we could possibly give them.

"Mahirap 'yung naging preparations para sa event na 'to pero mas naging light 'yung gawain dahil sa naging pagtugon ng mga youth sa panawagan ng SK," ang sabi ni SK Councilor Myra Rivamont, ang nanguna sa paghahanda sa nasabing aktibidad. Mayroong labing limang aktibong organisasyon ng kabataan ang dumalo sa Culminating Activity ng National Children's Month Celebrationna ginanap noong ika-25 ng Oktubre, 2008 sa HACCCI Covered Court, Norteng bahagi ng Lungsod ng Caloocan. Ang mga bata ay nabahagian ng kaunting gamit pang-eskwela na labis naman nilang ikinatuwa.

"Masarap sa pakiramdam na kahit lunch box lang 'yung nabigay namin, tuwang tuwa na 'yung mga bata." ang pahayag nni SK Councilor Lucille Aserit.



"Natuwa din sila sa party hats at clown na hinanda namin para sa kanila, alam naman natin na sa hirap ng buhay hindi talaga lahat ng bata nakakatikim ng ganon," dagdag pa ni SK Councilor Joan Tunguia.

"Medyo nagkagulo nga lang ng konti dahil hindi namin inaasahan ang pagdalo ng mas marami pang bata," ayon naman kay SK Councilor Goddie Cruz.

"Hindi namin iniisip na dahil sa naging successful 'yung activity, makukuntento na kami dun. Patuloy pa naming pagbubutihan para mapaganda pa namin ng higit pa doon. Alam namin ang importansya ng mga kabataan kaya naman hindi kami nanghihiyang lumapit sa kanila kung kailangan. Awa ng Diyos ay hindi naman sila nagsasawang tumugon sa amin." pagtatapos ni SK Councilor Kaye Sapungen.

Ang ngiti nila ang nagsisilbing motibasyon sa amin. Isa sa mga dahilan kung bakit patuloy pa rin naming inaasam ang pagbabago. ϋ

No comments: